Matagumpay na naisagawa ang pangalawang Youth Leadership Program at Team Building Activity ng Ako Bicol PartyList para sa mga kabataan sa lalawigan ng Albay na idinaos sa Viento De Mar, Bacacay, Albay.
Ang layunin ng pagsasanay ay upang mas maging malawak ang kanilang kaalaman at maipakita sa kapwa nila kabataan ang talento at abilidad nila sa pamumuno. Parte rin ng programa ang Team Building na maibahagi sa bawat isa ang husay sa pakikisama at hikayatin na bigyang pansin ang mga nangyayari sa kanilang kapaligiran.
Bukod sa Leadership Training at Team Building ay nagkaroon din ng Public Speaking seminar kung saan maari nilang mas mahubog ang kanilang pananalita sa harap ng maraming tao.
Tiniyak ng Ako Bicol PartyList ang mahigpit na pagsunod sa health protocols para sa kaligtasan ng lahat.
#AkoBicolPartyList
#KatabangnaKasurogpa
#YouthLeadership