Uumpisahan na ang construction ng International Cruise Terminal project sa Lungsod ng Legazpi na inaasahang magpapalawig ng turismo sa Bicol Region.
Isinagawa ngayong araw ang Groundbreaking Ceremony ng naturang proyekto sa pangunguna at inisyatibo ng Ako Bicol Party-list, 2D Albay at Department of Public Works and Highways (DPWH). Inaasahan na matatapos ang terminal sa taong 2022.
Pinangunahan nina Ako Bicol Congressman Alfredo A. Garbin, Jr. at DPWH Secretary Mark Villar ang groundbreaking. Hangarin ng proyekto na paunlarin ang turismo sa bansa lalo na sa Bicol Region.