Binigyan ng Ako Bicol Partylist ng food packs, gallon ng tubig at mga kagamitan sa bahay tulad ng balde at palanggana ang 13 pamilyang nasunugan na may 146 na indibidwal sa Obrero, Bulan, Sorsogon na ngayon ay pansamantalang nanunuluyan sa Obrero Elementary School.
Sa inisyatibo ni Cong. Zaldy Co, apat (4) na estudyante na kabilang sa mga nasunugan ang nabigyan ng tablet upang makatulong sa kanilang pag aaral.