Mahigit 1,500 sisiw at 150 sako ng layered feeds ang ipinamahagi ng Ako Bicol Party-list katuwang ang Department of Agriculture. Ang programa’y bahagi ng Rehab Program for Food Consumption na ginanap sa Puro Covered Court, Legazpi City.
May tag-lilimang benepisyaryo sa 16 barangay ng Legazpi City ang nabigyan ng mga sisiw bilang tulong-kabuhayan sa kani-kanilang pamilya.
Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng 20 sisiw at 2 sakong feeds.
Panauhin sa programa si Ako Bicol Congressman Alfredo A. Garbin, Jr. at Ginoong Jayson Gonzales (Information Officer II) ng Department of Agriculture.
Bilang pag-iingat laban sa COVID-19, sumunod sa mga alintuntunin at minimim health standards gaya ng social distancing at pagsusuot ng facemasks at faceshields ang lahat ng nagsidalo sa naturang aktibidad.
#AkoBicolPartyList
#KatabangnaKasurogpa
#ChickenDiapersalProgram
#DepartmentofAgriculture
#TabangsaKabuhayan