Dahil sa lumalaking bilang ng positive COVID-19 cases sa bansa, tumitindi rin ang pangangailangan sa mga ospital at ICU facilities.
Pangunahing gamit ang ventilators lalo pa’t pneumonia at hirap sa paghinga ang karaniwang dinaranas ng mga kababayang naka-confine dahil sa malalang kaso ng COVID-19.
Bilang tugon sa matinding pangangailangang ito, nagbigay ang Ako Bicol PartyList ng 10 ventilators sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) ngayong Abril 26,2021.
Ang donasyon ay inisyatibo ni Ako Bicol Congressman Zaldy S. Co at Congressman Alfredo A. Garbin, Jr. Personal nilang inihatid ang mga naturang ventilators kay Dr. Honey May P. Raborar,(MD,PPS,DP SNbM). OIC- Chief of Medical Professional Staff.
Layunin ng Ako Bicol na makatulong at mapunan ang pangangailangan ng maraming pasyenteng dinadala sa ospital dahil aa pandemya.
Nagpaabot namang taus-pusong pasasalamat ang mga opisyal ng BRTTH sa tulong ng Ako Bicol at sa walang-sawang suportang ibinibigay sa kanila.