Pinasinayaan ni Ako Bicol Congressman Alfredo A. Garbin, Jr. ang bagong school gate ng Ibalon Elementary School.
Ang proyektong ito’y handog ng Ako Bicol Party-list sa paaralan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga guro, non-teaching staff at mga mag-aaral.
Bagamat wala pang pisikal na klase sa mga paaralan, patuloy na inihahanda ang mga pasilidad sakaling payagan na ang pagbabalik-eskwela ng libu-libong mag-aaral sa Kabikulan.