Matapos ang kanilang pagsasanay sa kursong Electrical Installation Maintenance (EIM), Preparing and Cooking Hot Meals at Bread Making, nakatanggap ng toolkits ang 96 scholars sa bayan ng Malilipot, Albay mula sa Ako Bicol Party-list at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Kasama sa mga kagamitang ipinamahagi ay mga bread ovens at tools para sa pagkumpuni ng sirang appliances.
Maraming salamat po TESDA sa pagiging katuwang ng Ako Bicol sa patuloy na pagbibigay-tulong at pagsasanay sa mga kababayan natin upang magkaroon sila ng maayos at disenteng hanapbuhay.