Namahagi ng starter toolkits ang Ako Bicol Party-list at TESDA sa 130 scholars na sumailalim sa pagsasanay sa mga kursong Plumbing NCI, Organic Fertilizer Production, Facial Make up at Shielded Metal Arc Welding NCI.
Ginanap ang Ceremonial Turn Over of Tool Kits sa TESDA Training Center sa Labo, Camarines Norte.
Ang libreng pagsasanay ay isa sa mga programang naglalayong magbigay ng pagkakataong makapaghanapbuhay ang ating mga kababayan upang maabot ang kanilang pangarap.
Panauhing pandangal sa seremonya si Labo Municipal Mayor Joseph V. Ascutia na nagpasalamat sa tulong na ipinapaabot at suportang ibinibigay ng Ako Bicol Party-list sa mga kababayan natin sa Camarines Norte.
Lubos naman ang pasasalamat ng Ako Bicol Party-list kay TESDA Center Administrator June B. Oliveros at sa kanilang staff sa mainit na pagtanggap sa aming grupo. Maraming salamat din sa mga trainors na matiyagang nagtuturo sa mga iskolars at sa mga Ako Bicol Municipal Coordinators na patuloy na sumusubaybay sa kanila.
Nawa’y maging kapaki-pakinabang at gamiting mabuti ng nga iskolars ang mga natutunan sa programang ito.
#AkoBicolPartyList
#KatabangnaKasurogpa
#TabangsaKabuhayan
#CamarinesNorte