Muling binalikan ng Ako Bicol Party-list ang San Miguel Island na bahagi ng Tabaco City upang kamustahin ang pitong taong gulang na si Samuel Blance.

Isinama ng AKB si Dr. Christopher Gianan upang suriin ang kalagayan ni Samuel lalo na ang bukol sa likod nito.
Matapos ang pagsusuri, sinabi ni Dr. Gianan na si Samuel ay may tinatawag na ENCEPHALOCELE o neural tube defect.

Iminungkahi ng doktor na maoperahan si Samuel at matingnan pa ng ibang espesyalista. Maliban kasi sa bukol, nakitaan rin si Samuel ng sintomas na pagkakaroon ng Club Foot.

Sinuri rin ng doktor ang mga kapatid ni Samuel na sina Crissa, 9 taong gulang at Ryzel, 11 taong gulang. Inirekomenda ng doktor na magpa-chest xray ang mga bata dahil nakitaan nya ang mga ito ng mga kulani sa leeg.

Matatandaan na si Samuel ay unang nakita ni Ako Bicol Congressman Zaldy S. Co nang dumalaw sya sa isla noong Nobyembre 9, 2020 upang magbigay ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo. Naantig ang puso ng Cong. Zaldy sa kalagayan ni Samuel kaya patuloy ang tulong na ipinahahatid nya sa bata at sa pamilya nito.

#AkoBicolPartyList
#KatabangnaKasurogpa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s