Pinangunahan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go at ng Ako Bicol Partylist ang pamamahagi ng mga relief packs sa mga kababayan natin sa lalawigan ng Albay.
Noong nakaraang araw, Pebrero 5,2021 ay personal na binisita ni Senator Bong Go ang ilan sa mga kababayan natin sa syudad ng Legazpi, Albay.
Kahapon ay naghatid muli ang staff ni Sen. Bong Go ng mga relief packs sa mga taga Brgy. San Roque, Malilipot, Albay.
Maliban sa food packs ay namahagi rin sa ilan sa mga kababayan natin ng bisikleta at tablet na malaking tulong para sa kanila.
Kasama rin sa programa ang DSWD na may proyektong Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) at ang NHA Emergency Housing Assistance Program (EHAP).
Marami pong salamat ang nais ipaabot ng Ako Bicol para sa patuloy na pagbibigay tulong sa ating mga kababayang Bicolano.
Dios Mabalos!!!