Sinikap ng Ako Bicol Party-list sa pangunguna ni Congressman Zaldy S. Co na mabigyan ng internet connection ang tahanan ng estudyanteng si Rica Marfil ng Bicol University, College of Engineering. Matatandaan na si Rica ay nagwagi sa nakaraang patimpalak kung saan nakamit niya ang unang pwesto sa Asia Pacific S!NERGY at naging pambato ng Asia sa World S!NERGY .

Ang internet connection ay malaking tulong para kay Rica at mga kapatid na nag aaral. Mahalaga kasi ang reliable internet connection dahil ito’y kailangan ng mga mag-aaral ngayong panahon ng pandemya.

Ayon sa lola ni Rica na si Lola Candelaria, 88, hindi na siya mag aalala dahil ‘di na aabutan ng gabi sa daan ang kanyang mga apo para lang makagamit ng internet sa labas. Walang pagsidlan ang kanyang galak sa mga natatanggap na biyaya.

Maging si Rica ay bakas sa mukha ang kasiyahan dahil makakatulong siya sa kanyang pamilya.

Taus-pusong nagpapasalamat si Lola Candelaria sa lahat ng tumutulong sa kanila lalo na sa Ako Bicol Party-list na tuloy tuloy ang suportang ibinibigay sa kanilang pamilya.

#AkoBicolPartyList
#KatabangnaKasurogpa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s