Muling pumunta sa Alobo, Daraga at Putiao, Sorsogon ang Ako Bicol Party-list upang dagdagan ang ipinamahaging food packs sa mga stranded na cargo truck drivers at pahinanteng patungong Visayas at Mindanao.
Sa pakikipagtulungan ng Ako Bicol Party-list sa DSWD, naipaabot natin sa ang mga food packs upang maipantawid-gutom habang naghihintay ang mga driver at pahinante na gumanda ang panahon.
Nagpaasasalamat ang Ako Bicol sa DSWD sa tulong na ibinahagi sa ating mga kababayan.
Kapit-bisig para sa mga nangangailangan!