Tumawid ang Ako Bicol Party-list patungong Isla ng Burias, Claveria, Masbate upang maghatid ng relief packs sa ating mga kababayan.

Labis ang kanilang kasiyahan nang matanggap ang handog na tulong. Sa munting palarong ating isinagawa, ang mga nanalo ay nakatanggap ng solar lights na makakatulong tuwing sila’y mawawalan ng kuryente.

Nangako sina Ako Bicol Congressmen Zaldy S. Co at Alfredo A. Garbin, Jr. na tuluy-tuloy silang maghahatid ng tulong at susuporta sa mga kababayang Bicolano na lubos na nangangailangan.

Nagpapasalamat ang Ako Bicol sa mga katuwang nito sa distribusyon na sina Claveria Mayor Froilan Vibar Andueza at Board Member Diosdado Alim. Maging sila’y nagpaabot din ng kanilang pasasalamat sa ating pagbisita at tulong na hatid para sa kanilang mga nasasakupan.

Ang Ako Bicol ay labis na nasisiyahan sa mainit na pagtanggap sa ating mga kinatawan. Nais po naming iparating ang taos pusong pasasalamat sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan at pribadong sektor na walang-sawang nagpapahatid ng tulong sa atin.

Dios Mabalos!!!

#AkoBicolPartyList
#KatabangnaKasurogpa
#BuriasIsland

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s