Tulong-tulong sa pagrerepack ng bigas ang magigiting nating kasama mula sa Philippine National Police, Philippine Army, Coast Guard at mga volunteers sa Ako Bicol Headquarters sa Embarcadero de Legazpi.

Ang bigas ay ipapamahagi ng Ako Bicol sa ating mga kababayan sa Bicol Region na labis naapektuhan ng sunud-sunod na bagyo.
Ang bigas ay hatid tulong ni Senator Nancy Binay para sa ating mga kababayang Bicolano na hanggang ngayo’y pilit bumabangon sa pagkakalugmok mula sa kalamidad.


Labis na nagpapasalamat ang Ako Bicol Partylist kay Senator Nancy Binay sa bigas na kanyang ipinadala, sa PNP, Philippine Army, Coast Guard at mga volunteers na patuloy sa pagtulong sa atin mula sa umpisa.