Muling nag-ikot ang Ako Bicol party-list sa barangay Lamba at Imalnod, Legazpi City para sa karagdagang relief distribution sa mga kababayang napinsala ng magkakasunod na bagyo sa Bicol Region.

Ang follow up relief operations ay pinangunahan ni Ms. Donna Co, kapatid ni Ako Bicol Congressman Zaldy S. Co, at Ms. Nasreen Ismail-Garbin, maybahay ni Congressman Alfredo A. Garbin.
Ang mga food packs na ipinamahagi ay mula sa National Grid Corporation of the Philippines, ang pangunahing grid operator sa bansa. Nagbigay din ng itlog ang Eco Cycen upang pandagdag sa pang araw araw na pangangailangan. Nakasama rin natin ang Sunwest Care Foundation na laging handang tumulong sa atin.


Muli, malaking pasasalamat ang nais naming ipaabot sa lahat nang patuloy na nagbibigay at walang sawang tumutugon sa panawagan ng ating mga kababayan.
Ang Ako Bicol ay isa lamang instrumento upang maibahagi ang tulong ng mga kumpanya at mga taong tunay may malasakit sa kapwa. Nagagalak kaming makita na masaya ang ating mga kababayan sa munting handog natin sa kanila.
#AkoBicolPartyList
#KatabangnaKasurogpa
#TabangsaKalamidad
#Lamba
#Imalnod