Yerong pambubong ang kasalukuyang pinapamahagi ng Ako Bicol partylist upang tulungan ang mga Bicolanong walang masilungan dahil sa sunud-sunod na bagyo.
Bayan ng Malinao at Bacacay at lungsod ng Tabaco sa unang distrito ng Albay ang unang nakatanggap ng G.I sheets na isang inisyatibo ni AKB Congressman Zaldy Co.


Ang mga yero ay inihatid sa tulong ng JCI Senate at JCI Legazpi sa mga kababayang nasalanta ng Typhoon Rolly at Typhoon Ulysses.
Pinangunahan ni Ako Bicol Congressman Alfredo A. Garbin, Jr. ang distribusyon kasama ilang staff ng Ako Bicol, at mga miyembro ng McDonald’s Philippines Owners Operators Group.

Salamat po sa inyong lahat.