Katuwang ang Ako Bicol Partylist Congressmen Zaldy S. Co at Alfredo A. Garbin, Jr., sinimulan sa lalawigan ng Albay, partikular sa municipalidad ng Guinobatan, Legazpi City, Tabaco at Bacacay ang cash-for-work program para sa libo-libong benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ginanap ang unang aktibidad sa Guinobatan, Albay na sinundan sa Legazpi Convention Center kung saan dumating si DOLE Director Silvestre Bello. Personal din niyang pinuntahan ang Tabaco at Bacacay. Sa Tabaco City din ay pormal niyang iniabot sa ilan sa mga benepisyaryo ang mga motor boat banca para sa kanilang kabuhayan.

Bukod sa TUPAD activity, kasama sa programang ito ng DOLE katuwang ang Ako Bicol ay ang 16 na araw na clean up drive sa kani-kanilang lugar o municipalidad. Pangunahing benepisyaryo ng nasabing aktibidad ay ang mga nasalanta ng magkasunod na bagyong Rolly at Ulysses at mga manggagawang apektado ng COVID 19 pandemic.

#AkoBicolPartyList
#KatabangnaKasurogpa
#TabangsaKabuhayan
#TUPAD
#DOLE