Walong barangay sa syudad ng Legazpi ang muling binisita at personal na kinamusta ni Ako Bicol Congressman Zaldy S. Co at Alfredo A. Garbin, Jr. upang mahatiran ng mga pangunahing pangangailan matapos bayuhin ng sunud-sunod na bagyo sa Bicol Region. Ang mga food packs na ipinamahagi ay mula kay butihing Senator Sonny Angara na layuning makatulong sa mga kababayan natin na lubos na naapektuhan.

Sumusunod na barangay:
-San Francisco
-Banquerohan
-Bariis
-Mariawa
-Buyuan
-Matanag
-Bogña
-Bogtong
Kasabay ng distribusyon ng mga food packs ay ang pamamahagi ng mga solar light bulbs at cash assistance para sa mga senior citizens at buntis mula kay Congressman Co.
Katuwang sa pamamahagi ang mga maybahay ng ating mga kongresista, si Ms. Mylene R. Co at Ms. Nasreen Ismail Garbin. Naroon din si Ms. Donna S. Co na laging handang magbigay tulong para sa ating mga kababayan.


Nagpapasalamat ang Ako Bicol Partylist kay Senator Angara at sa kanyang mga staff sa walang humpay na tulong na ipinapaabot para sa mga kababayan nating Bicolano na lubos na nangangailangan sa panahon ng kalamidad. Nagpapasalamat din ang partido sa JCI Legazpi na laging naka agapay sa mga relief operations ng Ako Bicol.

Tulong-tulong sa pagbangon!
#AkoBicolPartyList
#KatabangnaKasurogpa
#TabangsaKalamidad
#AlagangAngara
#SenatorAngara
#JCILegazpi