Sinadya ng Ako Bicol PartyList ang Isla San Miguel, Tabaco, Albay upang mamahagi ng mga food packs sa iba’t ibang barangay na nasalanta ng bagyo.

Sa pangunguna ni Ako Bicol Congressman Zaldy Co at kanyang kapatid na si Ms. Donna Co, nagtungo ang AKB katuwang ang Sunwest Care Foundation sa barangay ng Hacienda 1, 2, 3 at Sitio Malictang 4, 5, 6 at 7. Personal nilang natunghayan ang nakalulunos na sinapit ng maraming kababayan na nasiraan ng bahay at napinsala ang mga pananim.

Image may contain: 4 people
Image may contain: one or more people and outdoor

Namahagi si Congressman Co ng food packs at solar light bulbs upang may pansamantalang magamit ang ilang kababayan na hanggang ngayo’y wala pa ring kuryente. Nag abot din ng cash assistance si Congressman Co sa mga senior citizens at buntis.

Labis ang kasiyahan at pasasalamat ng mga taga San Miguel matapos makatanggap ng ayuda mula sa Ako Bicol. Ayon sa ilang residente, ang grupo ni Congressman Co ang kauna unahang nakapaghatid sa kanila ng tulong mula ng bayuhin sila ng bagyo.

Image may contain: one or more people

Naging katuwang din ng Ako Bicol sa distribusyon ang Sunwest Care Foundation Inc. na naghandog ng mga damit at iba pang pangangailangan.

#AkoBicolPartyList
#KatabangnaKasurogpa
#TabangsaKalamidad
#SanMiguelIsland

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s