Mga nawasak na barangay sa Camarines Sur na ‘di pa naaabot ng tulong ang pinuntahan at binigyan ng relief goods ng Ako Bicol PartyList.

Isa rito ang Barangay Sabang kung saan maraming kabahayan at pananim ang nasira dahil sa magkasunod na bagyong Quinta at Rolly.
Ayon kay barangay captain Fernando Pascual Sanchez, Ako Bicol ang kauna-unahang organisasyon na nakarating sa kanilang lugar upang magbigay ng pagkain at malinis na inuming tubig. Kaya’t ganun na lang ang pasasalamat ng mga residente sa mga kinatawan ng Ako Bicol.

Nagtangkang lumapag ang helicopter na lulan sina Congressman Zaldy Co at Alfredo Garbin, Jr. ngunit hindi nito kinaya dahil sa dami ng nagkalat na debris at tumbang poste ng kuryente.
Dahil dito, nag conduct na lamang ng aerial inspection ang dalawang mambabatas upang alamin ang kalagayan ng iba’t ibang lugar na nangangailangan ng tulong.
Habang umiikot sila sa himpapawid, patuloy naman ang pamamahagi ng food packs sa Bayan ng Bato, Camarines Sur na isa ring matinding sinalanta ng bagyo.
Wala ring tigil ang repacking operations ng Ako Bicol PartyList upang maipamahagi ang ayudang pagkain sa mga biktima ng bagyo.


Kasabay nito, muling nagpasalamat ang Ako Bicol sa SM Foundation, Ongpin Foundation at PMFTC sa kanilang mga donasyon na kasama sa mga ipinapamahagi ng Ako Bicol sa mga biktima ng kalamidad.
Tuluy-tuloy din sina Congressman Co at Garbin sa pangangalap ng tulong sa pamahalaan at pribadong sektor upang maitawid sa gutom ang mga Bicolanong dumaranas ng labis na paghihirap dahil sa magkasunod na bagyo.
#AkoBicolPartyList
#KatabangnaKasurogpa
#TabangsaKalamidad
#CamarinesSur