Oas at Libon sa Lalawigan ng Albay ang sumunod na sinadya ng Ako Bicol PartyList upang mabahagian ng relief goods.

Ang dalawang bayan sa ikatlong distrito ay kasama sa matinding hinagupit ni super typhoon Rolly. Malaki ang pinsala sa mga bahay, imprastraktura at agrikultura sa mga naturang bayan. Pagtatanim ng palay ang pangunahing hanapbuhay ng ating mga kababayan sa naturang lugar.

Pinangunahan nina Ako Bicol Congressman Alfredo A. Garbin , Jr. at Ms. Donna Co, kapatid ni Ako Bicol Congressman Zaldy S. Co, ang distribusyon ng food packs na ginanap sa East at West Carissac ng Libon at Oas, Albay.

Image may contain: 1 person, sitting and outdoor
Image may contain: 1 person, sitting

Lubos ang pasasalamat ng Ako Bicol party list sa mga tumulong sa ating relief operations tulad ng SM Foundation, PMFTC ( Philip Morris ) Ongpin Foundation at JCI Senate, Legazpi at Daraga. Ilan lamang sila sa mga bukas-palad na nagbahagi ng mga pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan tulad ng food packs at inuming tubig.

Image may contain: one or more people and people standing

#AkoBicolPartyList
#KatabangnaKasurogpa
#TabangsaKalamidad
#BagyongRolly
#Libon
#Oas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s