Pinangunahan nina Ako Bicol Representatives Zaldy Co at Alfredo Garbin, Jr. ang pamamahagi ng relief goods sa mga biktima ni super typhoon Rolly sa unang distrito ng Albay.

Mula sa isla ng Catanduanes nag helicopter ang dalawang mambabatas patungong barangay Jonop at Baybay sa Malinao at San Bernardo sa Tiwi, Albay upang kamustahin at mamahagi ng food packs para sa ating mga kababayan.

Mahigit isang libong Bicolano ang nakatanggap ng ayuda mula sa Ako Bicol PartyList.

Bukod sa food packs, namigay din ng cash assistance si Congressman Co sa mga buntis at senior citizens.

Kasama sa distribusyon si Malinao Mayor Lenybelle Ceriola Santos, Tiwi Mayor Jaime Villanueva, Ms. Donna Co na kapatid ni Congressman Co at ang JCI Legazpi.

Tuloy-tuloy ang Ako Bicol sa pamamahagi ng food packs sa mga kababayang nasalanta ng bagyo.

Nagpapa abot muli ng pasasalamat ang Ako Bicol sa SM Foundation sa mga food packs na kanilang ibinahagi sa atin para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo.

#AkoBicolPartyList
#KatabangnaKasurogpa
#TabangsaKalamidad
#Malinao
#Tiwi
#BangonBicol
#SMFoundation

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s