Mga barangay sa 2nd at 3rd District sa lalawigan ng Camarines Sur ang binigyan ng Ako Bicol party list ng mga faceshields. Ang naturang protective gear ay para sa mga frontliners tulad ng barangay healthworkers, tanod at mga autoridad na tumitiyak sa kaligtasan ng bawat isa. Kasama rin ang mga checkpoint boundaries sa nabigyan.


Ang mga sumusunod na barangay ang nakatanggap ng faceshields:
– Concepcion Grande, Penafrancia
– San Felipe
– Liboton
– Calauag, Bagumbayan Sur
– Sabang
– Baras
– Sto. Tomas, Magarao
– San Isidro, Magarao
– San Vicente, Milaor
– Balagbag, Milaor
– Borongbong, Milaor
– Rizal, San Fernando
– Bonifacio, San Fernando
Pinangunahan ang distribusyon ng Ako Bicol Provincial Coordinator kasama ang Ako Bicol-GIP Interns.