Labis ang kasiyahan ng ating mga kababayang magsasaka matapos tanggapin ang farm equipment at binhi mula sa Ako Bicol party list, Department of Agriculture at Provincial Government of Albay.
Layunin ng Ako Bicol at mga katuwang nito na makatulong sa mga Bicolanong magsasaka upang maging mas masagana ang kanilang ani at kita. Ang mga natanggap na makinarya at pananim tulad ng hybrid at certified palay seeds, garden tools ay vegetable seedlings ay karagdagang tulong para sa kanilang mga kooperatiba, asosasyon at mga barangay.


Kasama sa pamamahagi sina Ako Bicol party list Representative Alfredo A. Garbin, Jr. , Ms. Donna Co, kapatid ni Congressman Zaldy S. Co, Mr. Florentino Ubalde, Jr. (Agricultural Center Chief II & APCO for Albay/Sorsogon), Ms. Cheryll Rebeta (Provincial Agriculturist Albay) at ilang kooperatiba ng mga magsasaka. Ginanap ang programa sa Celebration Plaza, Embarcadero de Legazpi.
Ang programa ay bahagi ng “Tabang sa Kabuhayan” ng Ako Bicol na naglalayong tulungan ang sektor pang agrikultura.

#AkoBicolPartyList
#KatabangnaKasurogpa
#TabangsaEdukasyon
#FarmEquipmentsandSeedlings