Sa pagtutulungan ng Ako Bicol PartyList at Rotary Club of Legazpi Central nagpadala po tayo ng medical supplies tulad ng facemask, faceshields at gloves para sa LGU Claveria, Masbate. Ito’y naglalayong bigyan ang kanilang frontliners at mga kababayan ng dagdag proteksyon laban sa sakit.


Ang inisyatibong ito ay sa pangunguna ni Ako Bicol Congressman Zaldy Co at RCLC President Anelyn Sumañga na may layuning makatulong sa nangangailangan lalo na sa panahon ng pandemya.