GREEN LAVA MI-ISI SA ALBAY, BINISITA NG AKO BICOL REPS

Patok na patok sa social media ang Green Lava sa Mi-isi, Daraga, Albay na ngayo’y bagong pasyalan ng mga taga Albay at karatig lalawigan.

Sa naturang lugar, tanaw at mistulang abot-kamay na ang tuktok ng perpektong Mayon Volcano. Makikita rin dito ang makukulay na bulaklak at luntiang halaman sa paanan ng bulkan.

Sina Ako Bicol Representatives Zaldy Co at Alfredo “Pido” Garbin, Jr. ang mga pangunahing ‘endorsers’ ng naturang “tourist spot” na dinarayo ng mga turista upang matunghayan ang natural na angking kagandahan nito.

Ang Green Lava ay isang pangunahing atraksyon na umaakit sa mga turistang mamasyal, langhapin ang sariwang hangin, at masdan ang kahanga-hangang bulkang Mayon habang napapaligiran ng mga bulaklak.

Kamakailan, pumasyal sina Congressman Zaldy at Pido Garbin sakay ng kanilang mga bisikleta upang ikutin ang Green Lava. Bukas sa publiko ang lugar at maaari ninyong pasyalan kasama ang pamilya’t kaibigan. Pinapaalala lamang sa lahat na mag-ingat at sundin ang health protocols na pinatutupad ng pamahalaan.

Ang Green Lava sa paanan ng Mayon ay likas yaman mula sa Panginoon. Karapat-dapat lamang na ito’y ating pagyamanin at ingatan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s