Nagpasalamat ang Nel’s Massage Center, isang grupo ng “PWD” na may kapansanan sa paningin sa Legazpi City, nang sila’y abutan at bigyan ng relief goods ng Ako Bicol PartyList.

Ilan lamang sila sa mga sektor ng lipunan na labis na naaapektuhan ng pandemya.
Batid ng Ako Bicol ang suliraning kanilang kinakaharap kaya’t layunin ng partido na ibsan ang kanilang paghihirap sa pamamagitan ng munting handog na relief goods.
