Ligtas at matagumpay na nakauwi sa Masbate ang 144 Locally Stranded Individuals (LSI) na pansamantalang naipit sa Pioduran Port, Albay nang higpitan at isara ng pamahalaang panlalawigan ng Masbate ang kanilang pantalan dahil sa banta ng COVID-19.
Maayos na nakauwi ang mga LSI sa tulong ni Ako Bicol (AKB) congressman Zaldy Co at Pioduran Mayor Allan Arandia.


Ayon sa alkalde, personal siyang lumapit at humingi ng tulong kay Cong. Zaldy upang makauwi ang mga stranded na Masbateno. “Agad naman miyang pinaunlakan ang aking kahilingan,” ani Mayor Arandia.
Para sa maayos na proseso, nakipag ugnayan si Cong. Zaldy kay Masbate 3rd District Congressman Wilton Kho. Hiniling nya na payagang makabyahe pauwing Masbate ang mga stranded individuals sa Pioduran port.
Ayon kay Cong. Zaldy, tinugunan nya ang panawagan ng mga LSI upang sila’y makauwi sa kanilang probinsya ngunit mahigpit niyang pinagbilin ang pagsunod ng mga ito sa “strict precautionary measures” na ipinapatupad ng IATF.

Patuloy ang ugnayan at monitoring nina AKB Cong. Zaldy, Masbate Cong. Wilton Kho at Mayor Arandia ng Pioduran upang tiyaking nasusunod ng mga LSI ang mga protocols kaugnay ng kanilang pagbabalik-probinsya.

