Matagumpay ang DOLE-GIP Orientation Program para sa 46 Ako Bicol party list beneficiaries na isinagawa sa Municipal Function Hall ng Cataingan, Masbate sa pagtutulungan ng Ako Bicol at Department of Labor and Employment noong Hunyo 30, 2020.

Pinasinayaan ni Cataingan Municipal Mayor Felipe L. Cabataña at DOLE Masbate LEO I/GIP Focal Marjorie A Dejumo ang nasabing aktibidad na dinaluhan ng 46 na benepisyaryo mula sa 7 bayan na sakop ng 3rd District ng Masbate.
Patuloy po ang Ako Bicol sa pagsuporta sa mga programang kapaki-pakinabang tulad ng Government Internship Program (GIP) na nagbibigay oportunidad sa mga Bicolanong kabataan na magkaroon ng angkop na pagsasanay at karanasan sa iba-ibang ahensya ng pamahalaan sa buong Kabikolan.

#AkoBicolPartyList
#KatabangNaKasurogPa
#TabangsaKabuhayan
#CatainganMasbate
#Masbate
#DOLER5
#GIP