Pangarap na refrigerator ng mga anak ni Michelle Silvertino tinupad ng Ako Bicol; Ama ni Michelle taos-pusong nagpasalamat

Maluhaluha ang ama ng yumaong si Michelle Silvertino sa pagbuhos ng tulong sa kanilang pamilya matapos tuparin ni Congressman Zaldy Co ang pangarap na refrigerator ng kanyang mga apo para sa kanilang munting tindahan.

Natanggap ng pamilya Silvertino ang naturang ref kasabay ng pagbisita ng Ako Bicol Party List sa Brgy. Burabod, Calabanga, Camarines Sur kamakailan.

Mula Legazpi City, dinala ng grupo ang bagong refrigerator sa tahanan ng mga Silvertino upang makatulong sa kanilang kabuhayan sa malayong barangay.

Maaalala na ipinagawa ni Congressman Co ang konkretong tindahan upang magkaraoon ng permanenteng kabuhayan ang mga naulilang anak ni Michelle.

Ipapaayos din ng AKB ang kanilang tahanan upang maging kaaya-aya at ligtas ito para sa maliliit na anak ni Michelle.

Nais ng mambabatas na tiyaking may sapat na suporta ang mga naulilang anak ni Michelle sa pamamagitan ng pagsasaayos ng kanilang tirahan, pagbigay ng suporta sa kanilang pag-aaral at pagbigay ng permanenteng kabuhayan sa kanilang lolo at lolang tatayo nilang magulang sa mga darating na panahon.

Samantala, muling nagpasalamat ang mga magulang ni Michelle para sa lahat ng tulong at suportang natamo ng kanilang pamilya sa kabila ng kanilang pangungulila sa pagkawala ng kanilang minamahal na anak.

#AkoBicolPartyList
#KatabangnaKasurogpa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s