Pamilya ng Bicolanang pumanaw sa Pasay City footbridge, tinulungan ng Ako Bicol

Personal na nakiramay si Ako Bicol Partylist Congressman Zaldy Co sa pamilya ni Michelle Silvertino, ang babaeng pumanaw sa isang footbridge sa Pasay City matapos ang limang araw na paghihintay ng bus pauwi sa Calabanga, Camarines Sur.

Sinadya ng grupong dalawin ang pamilya ni Michelle upang taos-pusong makiramay at mag abot ng tulong pang-kabuhayan. Ayon sa mambabatas, nais niyang makatulong sa pamilya ng yumao dahil pagsasaka at pagtanim ng mais lamang ang kanilang ikinabubuhay.

Kasalukuyan ring pinapasuri ng Ako Bicol ang lupa na pagtatayuan ng konkretong tindahan para sa pamilya ni Michelle sa pakikipagtulungan ni Congressman Co at Barangay Burabod Chairman Roberto Cabaltera.

Tinitingnan din ng mambabatas ang iba pang tulong na maaaring maibigay ng partido lalo na sa apat na musmos na naiwan ni Michelle. Kasama dito ang pagbibigay ng tablet para sa kanilang pag-aaral at posibleng pagsasa-ayos ng kanilang kasalukuyan tirahan.

Labis ang pasasalamat ni Nanay Marlyn Silvertino, ina ni Michelle, sa lahat ng tulong na iniabot ng Ako Bicol lalo na sa panahon ng kanilang pagdadalamhati.

Dahil sa kahirapan ng buhay sa lalawigan, napilitan si Michelle, isang solo parent, na makipagsapalaran sa Maynila sa pag-asang makapangibang bansa at maitaguyod ang kanyang apat na anak.

Ngunit siya’y hindi pinalad at bumagsak sa pagsusuring medikal at namasukan na lamang bilang kasambahay sa Maynila.

Batid ng Ako Bicol ang hirap na dinaranas ng pamilya ni Michelle at ng iba pang mga pamilyang apektado ng matinding krisis bunsod ng COVID-19.

Dahil dito, patuloy ang party list group sa pagbibigay tulong sa mga nangangailangan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s