Ako Bicol, namahagi ng medical supplies sa Catanduanes

CATANDUANES (Abril 20, 2020) – Pinangunahan ni Ako Bicol party-list Reps. Zaldy Co at Alfredo A.Garbin, Jr. ang pamamahagi ng kahun-kahong personal protective equipment (PPE), faceshields, disposable masks, N95 masks at rapid test kits para sa mga frontliners at mga residente ng lalawigan.

Ayon sa mga mambabatas, malaking tulong ang protective gear at medical supplies upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa lalawigan. Mahalaga rin ang papel ng patuloy na contact tracing at testing kits upang agad malaman kung sino ang positibo o negatibo sa COVID-19.

Iniabot ni Reps. Co at Garbin ang mga donasyon sa Catanduanes provincial government sa pangunguna ni OIC Governor Shirley Abundo, Virac Mayor Sinforoso Sarmiento at Eastern Bicol Medical Center (EBMC).

Katuwang ng Ako Bicol sa aktibidad na ito ang Sunwest Care Foundation.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s