60 kahong medical supplies, ipamamahagi na ng Ako Bicol

Dumating na kahapon (Abril 19, 2020) ang animnapung kahon ng personal protective equipment (PPE) at medical supplies na ipapamahagi ng Ako Bicol (AKB) party-list sa mga frontliners ng Bicol Region.

Kinalap ni Ako Bicol Rep. Elizaldy S. Co, ang mga PPEs at medical supplies ay para sa proteksyon ng mga frontliners na lumalaban sa pagkalat ng COVID-19.

Bawat kahon ay naglalaman ng face shield, flanel facemasks, N95 masks at rapid test kits na ginagamit upang mabilis na malaman kung ang isang tao ay positibo o negatibo sa COVID-19.

Simula ngayong araw ay sisimulan na ng AKB ang pamamahagi ng naturang PPEs at medical supplies sa iba’t ibang ospital sa anim na lalawigan ng Bicol Region.

Nagpapasalamat si Rep. Co sa lahat ng grupong tumulong at nagbigay suporta upang matugunan ang pangangailangan ng mga Bicolano.

Aniya, pangunahing adbokasiya at programa ng Ako Bicol ang makatulong sa nakararaming kababayan.

“Ang Ako Bicol ay katuwang ninyo kontra COVID-19,” diin ni Rep. Co.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s