Isa si Cong. Alfredo A. Garbin, Jr. sa mga nangunguna sa kasalukuyang ginagawang Technical Working Group (TWG) Meeting upang maingat na himayin ang isinusulong na batas na ang layunin ay mabigyan ng naaangkop na regulasyon at pagsubaybay sa mga produktong ‘electronic smoking devices’ at ‘heated cigarettes’ para sa ligtas na pamamahagi nito sa publiko at patas na pagpapataw ng buwis dito.