Ibinigay ni Cong. Alfredo A. Garbin, Jr. ang kanyang saloobin, bilang isang mambabatas at ordinaryong manonood, kaugnay ng nalalapit na pagtatapos ng prangkisa ng ABS-CBN sa March 30, 2020.
Aniya, tulad ng isang teleserye sa primetime, nakalulungkot isipin ang katapusan ng bawat kuwento. Ano pa kaya ang pagtatapos ng kwento ng isang institusyon na naging bahagi na ng ating buhay at ng libo-libong empleyadong umaasa dito?

“Huwag sana nating hayaang magwakas ang mga kwentong sumasalamin sa totoong buhay ng bawat pamilyang Pilipino.”
Isa itong kwento tungkol sa malayang pamamahayag, isang kwento tungkol sa demokrasya, isang kwento na magiging bahagi ng ating kasaysayan.
Tulad ng pagtatapos ng bawat kwento, matapos ang lahat ng mga nakapapanabik na drama at aksyon, nawa’y gawin natin kung ano ang patas at nararapat.
