Matapos maghain ng kanyang ‘Eddie Garcia Bill’, patuloy ang pagdalo ni Cong. Alfredo A. Garbin, Jr. sa pagdinig ng Committee on Labor and Employment patungkol sa aksidenteng ikinasawi ng ating ‘Manoy Eddie’, na nagsilbing mukha ng mga Bicolano at ama ng pelikulang Pilipino.

Ang panukalang batas na ito ay layuning mas mapabuti ang kalagayan ng bawat manggagawa sa anumang industriya, lalo pa’t karapatan ng bawat isa ang maging ligtas sa sakuna at pagkakasakit dulot ng trabaho.
