Isinasagawa na ng Ako Bicol at Sunwest Care Foundation ang drilling operation sa bisinidad ng Batangas Sports Complex na mayroong 2, 990 evacuees mula sa iba’t-ibang mga barangay sa Batangas. Nakatala ding magsagawa ng operasyon ang grupo sa Dulangan, Bagong Tubig, Banuyo, Balite, Locloc, Luya, M. Parang, Baboy, Manggahan at sa Lipa, Batangas.


Sa pagpapakita ng taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tulong na natanggap ng Bicol sa pagalboroto ng Bulkang Mayon sa mga nagdaang taon – nais ng Ako Bicol na ibigay ng libre ang lahat ng Level 1 Water System Projects para sa Taal Eruption Relief Operations sa mga mamamayan ng Batangas upang mapakinabangan ngayon at sa mga darating pang mga taon.

#AkoBicolPartyList
#KatabangnaKasurogpa
#TabangsaKalamidad
#TaalEruption
#TarabanganCaravanforBatangas
#BangonBatangas