RELIEF OPERATION – Labis ang pasasalamat ng daan-daang mga residente sa Lidong, Sto. Domingo, Albay isang araw matapos ang Pasko dahil tulong na kanilang natanggap mula sa isinagawang Joint-Relief Operation na pinangunahan ng Ako Bicol Party List at Sunwest Care Foundation Inc. ngayong hapon, Disyembre 16, 2019. Ang mga benepisyaryo ay kasama sa mga na-identify na mga residenteng “totally at partially damaged” ang mga kabahayan na dulot ng nagdaang Bagyong Tisoy.