Namahagi ang Ako Bicol ng relief goods sa mga nasalanta ng Bagyong Tisoy sa bayan ng Matnog, Sorsogon katuwang ang Sunwest Care Foundation. Apat na barangay (Banuang-Daan, Sta.Isabel, Tablac at Manjumlad) ang nabahagian ng tulong noong Disyembre 7, 2019.


Kasama sa nasabing aktibidad si Ako Bicol Congressman Alfredo Garbin Jr kung saan pinangunahan niya ang pamimigay ng relief goods ating mga kababayang naapektuhan ng bagyo at kasama rin sa naging programa si Ako Bicol Sorsogon Provincial Coordinator Efren Guab at ilan sa Ako Bicol Staff at Volunteers.

Lubos ang pasasalamat ng ating mga kababayan dahil sa tulong na nakarating sa kanilang lugar at makikita sa kanilang mga mukha ang kasiyahang naihatid na tulong ng Ako Bicol. Isa sa layunin ng Ako Bicol na matulungan ang lahat ng kababayan natin na naapektuhan ng bagyo.

#AkoBicolPartyList
#KatabangnaKasurogpa
#TabangsaKalamidad
#MatnogSorsogon