Matapos maitalaga ng Committee on Government Enterprises and Privatization si Cong. Alfredo A. Garbin, Jr. na pangunahan ang binuong Technical Working Group sa ilalim ng naturang komite, agad itong nagpatawag ng isang pagpupulong upang talakayin at plantsahin ang isinusulong na batas na ang layunin ay palawigin ang termino ng paninilbihan ng mga Barangay Officials hanggang sa limang (5) taon, mula sa dating tatlong (3) taon lamang, bago ito tuluyang maipasa sa kamara.

Ang nasabing tatlong taong paninilbihan na nakasaad sa kasalukuyang batas ay pinaniniwalaang isang hadlang para sa mga opisyal de barangay upang kumpleto at buong maipatupad ang kani-kanilang mga plataporma at proyekto. Bigyan natin sila ng sapat na panahon upang mapatunayan ang kanilang mga kakayanan, at wag masayang ang kanilang mga nasimulan.