Ang pagbigay ng tulong medikal sa mga kababayan natin sa buong kabikolan ay isa sa mga mahahalagang adbokasiya ng Ako Bicol. Mula sa pamamahagi ng gamot sa mga health centers, pagasikaso sa mga dialysis patients, pagsagot sa mga bayarin sa gamot ng may mga sakit at paglagay ng mga proyektong kapakipakinabang sa mga ospital – ilan lamang yan sa mga serbisyong medikal na hatid ng Ako Bicol.

