Sa pagsisimula ng panibagong linggo sa kongreso, masayang pinulong ni Cong. Alfredo A. Garbin, Jr. ang mga kawani ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region V, na pinamumunuan ni Dir. Joel M. Gonzales, sa layuning mas palawakin ang mga programang magbibigay ng trabaho at pagkakakitaan ng ating mga kababayan, lalo na ng mga Bicolano.

Naging paksa din ng pag-uusap ang mga planong proyekto ng AKO BICOL Party-List at DOLE upang maipagpatuloy ang layuning makatulong sa bawat pamilya sa pamamagitan ng mga programang mula mismo sa pamahalaan, tulad na lamang ng TUPAD at GIP.


“Patuloy naming gagampanan ang aming responsibilidad na ipaabot sa bawat isa ang pagkakataong magkaroon ng mas magandang kinabukasan” – Cong. Garbin