Nagpasalamat ang mga bagong Ako Bicol Interns matapos nilang makapanayam si Mr. Al Armario ng DZGB (729 kHz AM) kasama ang mga Regional office staff ng Ako Bicol Partylist noong Oktubre 19, 2019. Ito ang kanilang unang pagkakataon na maisabak sa radyo kung saan masaya silang nagbigay ng kani-kanilang saloobin tungkol sa kakatapos lang na Macabalo River Clean-Up Drive and Covenant Signing na ginanap sa Brgy. Dap-Dap, Legazpi City.


Lubos ang kanilang pasasalamat sa Ako Bicol sa pagkakataon na maging parte ng isang adbokasiya na naglalayong matulungan ang mga residente na mapangalagaan ang kalikasan.

#AkoBicolPartylist
#KatabangnaKasurogpa
#TabangsaKabuhayan
#AkoBicolInterns
#SaveMacabaloCampaign
#DZGB