Nagkaisa ang iba’t-ibang mga grupo sa siyudad ng Legazpi sa pangunguna ng St. Raphael the Archangel Parish sa isang Clean-up Drive at Covenant Signing na may temang “Care for Our Common Home” sa Macabalo River sa Brgy. Dap-dap Legazpi City noong Oktubre 19, 2019. Kasama ng Ako Bicol ang mga grupo mula sa Philippine Army, Coastguard, mga mag-aaral ng South Luzon Technological College at Forbes College, lokal na mga opisyal ng Brgy. Dap-Dap at mga representante ng iba’t-ibang sektor.


Layunin ng aktibidad na maibahagi sa lahat ang kahalagahan ng pangangalaga sa ilog upang ito’y muling mapakinabangan ng mga komunidad sa paligid nito. Hinihiling ng Ako Bicol at ng lahat nakilahok sa nasabing aktibidad na mas lalo pa nating mahalin, pagandahin at panatilihin ang kalinisan sa ating kapaligiran upang ito’y patuloy na mapakinabangan ng mga komunidad, residenteng nakapaligid rito at ng mga susunod na henerasyon.

#AkoBicolPartyList
#KatabangnaKasurogpa
#TabangsaKapalibutan
#SaveMacabaloCampaign