Labis ang pasasalamat ng libu-libong kabataang Albayano sa Tulong sa Edukasyon na inisyatibo nina Ako Bicol Congressman Elizaldy S. Co at Congressman Alfredo A. Garbin Jr. para sa probinsya ng Albay. Pinangunahan ng mga opisyal ng Ako Bicol Regional Headquarters ang pamamahagi ng Educational Assistance sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) noong Oktubre 15, 2019 sa Albay Astrodome sa Legazpi City.


Naging posible ang aktibidad sa pagkikipagtulungan ng Ako Bicol sa pamunuan nina Governor Al Francis C. Bichara, Vice Governor Edcel Grex Lagman at ng lahat ng volunteers na nagkakaisa sa layuning matulungan ang mga Albayano na magkapagtapos ng kanilang pag-aaral.

#AkoBicolPartyList
#KatabangnaKasurogpa
#TabangsaEdukasyon
#LGSF