Labis ang pasasalamat ng mga mag-aaral ng Liceo de San Jacinto Foundation na nagmula pa sa apat na munisipalidad ng Ticao Island sa Masbate dahil sa patuloy na pamamahagi ng scholarships ng Ako Bicol upang makapagtapos sila ng kolehiyo.


Sa pangunguna ni Mr. Mark Jay Cervantes (Ako Bicol Provincial Coordinator for Masbate) natulungang mailapit ang mga benepisyaryo sa DSWD Masbate.

#AkoBicolPartylist
#KatabangnaKasurogpa
#TabangsaEdukasyon
#AkoBicolMasbate
#EducationforAll