Labis ang tuwa ng mga Masbateño matapos nilang matanggap ang libu-libong mga libro mula sa Childrens International Philippines na naitawid ng Ako Bicol papunta sa Baleno National High School at sa Mary Perpetua E. Brioso High School sa isla ng Masbate noong Agosto 15, 2019.


Sa pangunguna nina Congressman Elizaldy S. Co, Congressman Alfredo A. Garbin Jr. at ng buong Ako Bicol Masbate, patuloy ang inisyatibong “Aklat sa Kaunlaran ng Bicol” sa ilalim ng programang “Tabang sa Edukasyon” na may hangaring mapunan ang mga pangangailangan sa suplay ng aklat sa bawat paaralan saan man sa rehiyon. Naniniwala ang Ako Bicol na ang edukasyon ay tulay patungo sa pag-unlad ng bawat Pilipino.

#AkoBicolPartylist
#KatabangNaKasurogPa
#AklatSaKaunlaranNgBicol
#TabangSaEdukasyon