Ako Bicol, Nanawagang Paigtingin ang Implementasyon ng mga Polisiya Laban sa “BULLYING”

Mariing kinokondena ng Ako Bicol ang pambubugbog kay Gabriel, 15 anyos, ng Antipolo Bagamanoc, Catanduanes. Ang batang biktima ay nagkaroon ng pamumuo ng dugo sa ulo (epidural hematoma) matapos syang bugbugin ng mga menor de edad rin na suspect na di umano’y sapilitang humihinge ng pera kay Gabriel.

Image may contain: one or more people and people sitting

Sa pangunguna ni Congressman Elizaldy S. Co at Congressman Alfredo A. Garbin Jr. at ng buong Ako Bicol, nailabas na ng ospital si Gabriel at naihatid kasama ang pamilya nito papunta sa Tabaco Port hanggang sa paguwi sa isla ng Catanduanes. Si Gabriel ay kasalukuyan pang nagpapagaling dahil sa iniinda nitong karamdamang resulta ng pambubugbog.

Image may contain: one or more people, people standing, car and outdoor

Nanawagan ang Ako Bicol sa mga kinauukulan sa Catanduanes na mahigpit na ipatupad ang mga polisiya laban sa ano mang uri ng “BULLYING”, sa loob o labas man ng mga paaralan, upang mabigyan ng hustisya ang kaso ni Gabriel at maprotektahan ang mga kabataan!

#AkoBicolPartylist
#KatabangnaKasurogpa
#AntiBullying
#NotoViolence
#NotoHate

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s