Ang edukasyon ay isang tulay upang umasenso sa buhay. Kaya naman upang mailapit ito sa mga kabataan, pinangunahan ni Ako Bicol Provincial Coordinator for Camarines Norte na si Raymund Prado ang oryentasyon para sa mga benepisyaryo ng Educational Assistance ng Ako Bicol sa Mabini College.

Dinaluhan ito ng humigit-kumulang sa 175 na mga mag-aaral mula pa sa iba’t-ibang mga munisipalidad sa probinsya ng Camarines Norte noong Agosto 9, 2019. Isa lamang ito sa mga programang ginagawa ng Ako Bicol upang matulungan ang mga kabataan na maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.
#AkoBicolPartylist
#KatabangnaKasurogpa
#TabangsaEdukasyon
#AkoBicolCamarinesNorte