Muling nagsagawa ng oryentasyon ang Ako Bicol para sa mga benepisyaryong mag-aaral sa Del Gallego, Camarines Sur noong Agosto 4, 2019. Pinangunahan ni Jerson Alvarez (Camarines Sur Provincial Coordinator) ang aktibidad kung saan itinuro ang mga adbokasiya at programa ng Ako Bicol na maaring mapakinabangan ng mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang barangay ng Del Gallego.


Matagal ng layunin ng Ako Bicol ang makapagbigay ng oportunidad sa lahat ng nais makapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng pagbigay ng pinansyal na tulong sa ilalim ng programang Tabang sa Edukasyon.